Connect with us

PH Army, walang grupong mag-iimbestiga vs. ‘Angels of Death’

PH Army, walang grupong mag-iimbestiga vs. 'Angles of Death'

National News

PH Army, walang grupong mag-iimbestiga vs. ‘Angels of Death’

Walang natatanggap na reklamo ang Philippine Army kaugnay sa umano’y ‘Angels of Death’ na pilit na iniuugnay sa religious group na Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Dahil nga dito ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, hindi na nila kailangan pang bumuo ng investigation group kaugnay sa nasabing isyu. “…As of now we have not identified any reservist involved in the alleged ‘Angels of Death’. No need to create a group to investigate kasi continuous naman ang monitoring ng Philippine Army sa lahat ng reservists.”

Kung matatandaan, ang isyu ng ‘Angels of Death’ ay unang inilabas ng Philippine National Police (PNP).

Sa panig naman ng Philippine Army, magkaiba ang SMNI (Sonshine Media Network International) at ang KOJC at base sa kanilang listahan, tanging ang mga empleyado lang ng SMNI at hindi ang buong KOJC ang kasapi sa laang kawal ng Pilipinas.

Ngunit pilit parin ipinapalabas ng sinumang source ng PNP na ang mga reservist na ito ang ginagamit bilang private army.

Sa ngayon, hindi binubura ng Philippine Army sa kanilang listahan ang mga reservist mula sa SMNI dahil wala naman itong nilabag na batas at wala ring reklamo laban dito.

More in National News

Latest News

To Top