Connect with us

PH Embassy sa Israel, nagbabala sa mga illegal recruiters

PH Embassy sa Israel, nagbabala sa mga illegal recruiters

National News

PH Embassy sa Israel, nagbabala sa mga illegal recruiters

Nagpalabas ng babala ang embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv patungkol sa mga illegal recruiters na naglipana na nag-aalok ng trabaho.

Sa kanilang abiso, pinaalalahanan ng embahada ng Pilipinas na dapat aprubado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lahat ng  recruiter, recruitment agency at employment contract bago matanggap ang manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Anila kapakanan ng mga Pilipino ang kanilang layuning maprotektahan lalo na maraming pilipinong nagbabalak mangibang bansa.

Maliban dito, hinihikayat din nito ang mga Pilipino na ipaalam sa mga awtoridad ang malalamang illegal na nagrerecruit ng mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top