Connect with us

PH-US relations, mananatiling matatag – Speaker Romualdez

Mananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika matapos ang pulong nina Pangulong Bongbong Marcos at US Pres. Joe Biden.

National News

PH-US relations, mananatiling matatag – Speaker Romualdez

Mananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika matapos ang pulong nina Pangulong Bongbong Marcos at US Pres. Joe Biden.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na kasama ni Pangulong BBM sa pulong kasama ang pangulo ng Amerika.

Giit ni Romualdez, produktibo ang meeting dahil pinag-usapan ng dalawang heads of state ang overall relations ng dalawang bansa.

“The productive meeting augurs well for the overall relations between our two countries,”saad ng House Speaker.

Diin pa ng House Speaker na ang US ay isang ‘major partner and ally’ ng Pilipinas sa larangan ng economic, defense, cultural, and investment cooperation.

Kaya positibo ito na magkakaroon pa ng ‘improved bilateral partnership’ sa mga nabanggit na larangan kasabay ng panawagan sa American investors na magnegosyo sa bansa.

“We need more investments to create jobs and income and improve the lives of our people,” saad ni Romualdez.

 

More in National News

Latest News

To Top