Connect with us

PhilHealth members, maaari nang mag-avail ng benefit package para sa COVID-19 tests

 Simula ngayong araw ay maaari ng mag-avail ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth ng benefit package sakaling isasailalim ang mga ito sa isolation o quarantine period dahil sa COVID 19.

National News

PhilHealth members, maaari nang mag-avail ng benefit package para sa COVID-19 tests

Simula ngayong araw, Pebrero 19, ay maaari ng mag-avail ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth ng benefit package sakaling isasailalim ang mga ito sa isolation o quarantine period dahil sa COVID-19.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Ricardo Morales, tinatayang nasa 14, 000 ang halaga ng package na maaari nilang maibigay sa mga maka-quarantine na mga patient under monitoring base na rin sa rekomendasyon ng mga physician.

Saklaw ng naturang package ang 14 day-quarantine period na isasagawa sa mga level 2 at level 3 na mga pasyente.

Ayon naman kay PhilHealth SVP Dr.  Israel Pargas, ang treatment o ang pagpapagamot sakaling magpositibo ang isang tao sa virus o sa iba pang inpeksyon ay nakadepende na sa case rates ng PhilHealth.

Tiniyak din naman ng PhilHealth na maliban sa mga Pilipinong miyembro ay maaari na ring mag-avail ng package ang mga foreigner na dito na naninirahan sa bansa at kasalukuyan ng myembro ng korporasyon.

Nakahanda rin ang korporasyon na palawakin pa ang coverage ng naturang package para mabilis at epektibong makakapagresponde ang ahensya sa mga pangangailangan ng mga pasyente.

Patuloy namang nakikiisa ang PhilHealth sa DOH sa panawagan nito sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at ang pagkakaroon ng proper hygiene para epektibong malabanan ang coronavirus sa Pilipinas. 

More in National News

Latest News

To Top