COVID-19 UPDATES
Philippine Ambassador to Lebanon, namatay dahil sa COVID-19
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang 62-anyos na Philippine Ambassador to Lebanon na si Bernardita Catalla ay namatay dahil sa komplikasyon dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa isang ospital sa Beirut, Lebanon.
Nanilbihan ang diplomat sa foreign service sa loob ng 27 taon at nanilbihan sa key posts sa Kuala Lumpur, Malaysia at Jakarta, Indonesia.
Sa Twitter post ni Foreign Secretary Teodoro Locson Jr., inihayag nito ang pakikiramay kasabay ng pag-alala sa katungkulan ni Catalla sa paglilingkod sa bansa.
Amb. Bernardita M. Catalla passed away at 12:30 a.m. in the Beirut hospital where she was confined. I extended her for a great job in a difficult post. I promised her Paris so she'd hang on. But she just laughed, "Now I must learn French." She saw me to say goodbye last March 9.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) April 2, 2020