Connect with us

Philippine Army, namahagi ng gulay at bigas sa Makati at Pasay

Philippine Army, namahagi ng gulay at bigas sa Makati at Pasay

COVID-19 UPDATES

Philippine Army, namahagi ng gulay at bigas sa Makati at Pasay

Pinangunahan ng Philippine Army ang pamamahagi ng mga gulay at bigas sa mga apektadong residente sa Makati at Pasay sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zafala, 500 pamilya mula sa Brgy. Southside, Makati at 1,000 pamilya mula sa Brgy. 156, Pasay ang nabigyan ng 3 gulay at 3 kilo ng bigas.

Mula ito sa donasyon ng Lucio Tan Group, Jaime V. Ongpin Foundation at Philip Morris.

Pinasalamatan naman ni Zagala ang tulong na ipinaaabot ng mga pribadong organisasyon para sa mga nangangailangan nating kababayan.

Tiniyak nito na magpapatuloy sila sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente lalo’t umiiral ang enhanced community quarantine sa buong luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

https://www.facebook.com/PhilippineArmy2028/posts/2525838744331335

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top