National News
Philippine Film Industry Month, itinakda sa buwan ng Setyembre
Ipagdidiriwang na sa Pilipinas ang local film industry tuwing Setyembre.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation no. 1085 na nagdedeklara sa buwan ng Setyembre bilang “Philippine Film Industry Month.”
Sa ilalim ng naturang proklamasyon, kailangang makilala ang mga naging sakripisyo at ambag ng industriya ng lokal na pelikula maging lahat ng stakeholders.
Maliban dito, mahalaga ring ipakita at ipagdiwang ang mga napagtagumpayan at progreso sa filmmaking at film discipline.
Kasunod nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pangunahan ang selebrasyon at alamin ang mga aktibidad at programa kung saan dapat makipagtulungan sa FDCP ang mga ahensya ng pamahalaan kasama ang mga korporasyon ng gobyerno maging ang state universities at colleges.
