Connect with us

Philippine Navy, may bago nang pinuno

Philippine Navy, may bago nang pinuno

National News

Philippine Navy, may bago nang pinuno

Pormal nang umupo si Rear Admiral Toribio Adaci Jr. bilang bagong Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy.

Pinalitan niya si Rear Admiral Caesar Bernard Valencia na pansamantalang umupo sa pwesto matapos na magretiro sa serbisyo si Vice Admiral Adeluis Bordado noong Setyembre 2022.

Mismong si AFP Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang nanguna sa change of command ceremony sa Philippine Navy Headquarters sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.

Si Adaci ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 at kasalukuyang pinuno ng Naval Forces Western Mindanao.

Siya ang kauna-unahang pinuno ng Navy na magsisilbi ng 3 taon sa ilalim ng RA 11709.

More in National News

Latest News

To Top