Connect with us

Philippine Orthopedic Center, nakatanggap ng P200-M cash assistance mula sa OP

Philippine Orthopedic Center, nakatanggap ng P200-M cash assistance mula sa OP

National News

Philippine Orthopedic Center, nakatanggap ng P200-M cash assistance mula sa OP

Bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iprayoridad ang sektor ng kalusugan sa Pilipinas, ang Office of the President (OP) ay nagbigay ng P200-M na tulong pinansyal sa Philippine Orthopedic Center (POC).

Sinabi ni POC Medical Center Chief Dr. Jose Pujalte Jr. na malaki ang maitutulong ng tulong pinansyal mula sa OP para mapanatili ang operasyon ng prime orthopedic center sa Pilipinas, lalo na sa pagtaas ng kaso ng ‘injuries’ sa bansa.

Sa kanyang letter of acceptance and gratitude sa OP, sinabi ni Dr. Pujalte na kailangan ang pagsasama-sama ng pananaw ng isang pinuno, maging ang dedikasyon at kadalubhasaan ng mga manggagawang pangkalusugan upang tunay na makamit ang universal health care.

Bukod sa pagtulong sa mga nangangailangang Filipino orthopedic patients, sinabi ni Pujalte na ang cash assistance ay makatutulong din sa kanilang pagsisikap na gawing moderno ang POC sa pamamagitan ng pagkuha ng mga makabagong pasilidad at kagamitan sa ospital.

Dagdag pa ng medical chief, ang tulong ng gobyerno ay pagpapakita ng pangako ni Pangulong Marcos na itaguyod ang kapakanan ng mga orthopedic patients, gaya ng ipinangako nito sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Ang POC ay operational na mula pa noong 1940s kung saan itinalaga ito bilang isang pambansang espesyalidad na sentro sa orthopedics.

Binigyang diin ng POC chief na ang mga kagamitan ng ospital ay kailangang maging moderno at maging state-of-the-art.

Binanggit naman ni Pujalte na maaari nang tumanggap ang POC ng higit sa 600 mga pasyente araw-araw.

Ito’y kasunod ng donasyon na natanggap mula sa Tanggapan ng Pangulo.

Inihayag din ng POC medical center chief na bilang pagsunod sa Universal Healthcare Law, dapat makapag-avail ang lahat ng mga Pilipino ng abot-kaya, naa-access at de-kalidad na pangangalagang medikal.

More in National News

Latest News

To Top