Connect with us

‘PHLPost digitalization’, magpapalakas ng economic activities ng bansa – Pang. Duterte

'PhlPost digitalization', magpapalakas ng economic activities ng bansa – Pang. Duterte

National News

‘PHLPost digitalization’, magpapalakas ng economic activities ng bansa – Pang. Duterte

Nakatitiyak si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mapapalakas ang global competitiveness ng bansa ang bagong pinasinayaang digitalization at modernisasyon ng Philippine Postal Corporation (PhlPost).

Sa isang talumpati, hinimok ni Pangulong Duterte ang PhlPost na ipagpatuloy ang “modernization efforts” nito para magtuloy-tuloy ang mabilis at maayos na pagbibigay ng serbisyo ng goyerno kahit tapos na ang kanyang termino.

“Covid-19 Pandemic has open avenue for innovative product and systems that cater to the need of the consumers, and the new normal for data and technology that drive the market,” ani Pang. Duterte.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, makapagpapasigla rin sa economic activities ang pagsisikap na ito ng PhlPost na mapabuti ang serbisyo ng gobyerno.

Tiwala naman si Pangulong Duterte na hindi rin hihinto ang PhlPost na magpatupad ng ‘reform initiatives’ na may layong mapabilis ang transaksyon sa pamahalaan.

“In fulfillment of this administration’s ease of doing business agenda beyond my term, I hope that you constantly explore innovations and strategies that will further streamline, develop and improve government services to the people with greater efficiency,” saad pa ng punong-ehekutibo.

Positibo naman ang pangulo na makatutulong ang inisyatiba ng PhlPost na mapanatili ang integridad nito.

Samantala, umapela rin si Pangulong Duterte sa PhlPost na tumulong na mapatigil ang korupsyon sa mga kawani ng Bureau of Customs (BOC).

More in National News

Latest News

To Top