Connect with us

Pig heart transplant sa tao, matagumpay na naisagawa sa Estados Unidos

Pig heart transplant sa tao, matagumpay na naisagawa sa Estados Unidos

International News

Pig heart transplant sa tao, matagumpay na naisagawa sa Estados Unidos

Naging matagumpay ang isinagawang heart transplant gamit ang puso ng baboy sa 57 taong gulang na si David Bennett sa Estados Unidos.

Ayon sa mga doktor ni Bennett, sumailalim ito sa 7 oras na procedure para sa naturang transplant na ikinokonsiderang pinakahuling pag-asa para mailigtas ang buhay nito.

May be an image of 2 people and indoor

Tanggap naman ni Bennett ang posibleng mangyari sa kanya nang magpaliwanag ito bago ang operasyon na dalawa lang ang opsyon nito – ang mamatay o gagawin ang naturang transplant.

Sa ngayon ay tatlong araw na ang nakalipas matapos isagawa ang heart transplant kay Bennett at mahigpit namang minomonitor ng mga doktor ang kalagayan nito.

Inihayag naman ni Surgeon Bartley P. Griffith ng University of Maryland Medical Center na ito ang kauna-unahang heart transplant sa tao na ginamitan  ng puso ng baboy.

May be an image of 2 people and people standing

At dahil aniya dito, ay posibleng malapit nang matugunan ang krisis ng kakulangan ng mga organ.

Napag-alaman na 17 katao kada araw sa Estados Unidos ang namamatay dahil sa paghihintay ng organ transplant.

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top