National News
Pilipinas at Brunei, nagsanib pwersa sa paghatid ng relief goods sa Calaguas Island
Isang joint aerial relief operation ang ginawa ng Philippine Air Force (PAF) at ng Royal Brunei Air Force (RBAirF) upang maihatid ang mahahalagang tulong sa mga residente sa Calaguas Island sa Camarines Norte na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Gamit ang kanilang Black Hawk helicopters, matagumpay na naihatid ng dalawang Air Forces ang mga family food packs na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang naturang misyon ay palatandaan ng malakas na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Brunei Darussalam, patunay na sila ay tapat sa kanilang pangako na susuporta sa regional security and humanitarian assistance.
Sa huli siniguro ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine Air Force na makakaabot sa mga nangangailangan ang tulong mula sa pamahalaan.