Connect with us

Pilipinas, dapat ng magkaroon ng pagawaan ng bakuna – SP Sotto

Pilipinas, dapat ng magkaroon ng pagawaan ng bakuna – SP Sotto

National News

Pilipinas, dapat ng magkaroon ng pagawaan ng bakuna – SP Sotto

Hindi dapat laging umasa ang bansa sa pag-import ng bakuna at ilang medical equipment.

Ito ang inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Pilipinas Debates na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC).

Aniya, kailangan nang paghandaan ang posible pang virus na darating sa bansa kaya dapat simulan narin ng bansa ang pag-manufacture ng bakuna, personal protection equipment o ppe at mga hiringilya.

Dapat narin aniyang asikasuhin ng gobyerno ang sariling pag-produce sa mga ito.

Kaugnay nito, sakaling mahalal na pangulo si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, nais nitong unahin ang pagpapatayo ng Philippine Virology Science and Technology Institute.

Ito aniya ang magiging sentro ng research and development na magiging depensa ng bansa laban sa COVID at sa mga posibleng mutations nito.

Mababatid na nagpasa na si Lacson ng panukalang batas hinggil sa Virology Science and Technology Institute ngunit hindi pa naipapasa ng Senado.

More in National News

Latest News

To Top