Connect with us

Pilipinas, dapat pagtibayin ang agrikultura at ‘wag dumipende sa ibang bansa – Pastor Quiboloy

Inihayag ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, chairman ng SMNI na dapat palakasin ang agrikultura sa bansa upang matiyak na may sapat na supply ng pagkain sakaling magkaroon food crisis.

National News

Ayon kay pastor Apollo, hindi dapat tayo dumipende sa ibang bansa dahil kapag nagkaroon ng krisis, uunahin ng ibang bansa ang kani-kanilang sarili bago mag-export sa iba.

Giit ng butihing pastor, bigas ang pinakaunang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan dahil yan ang ating pangunahing pagkain.

Kaugnay nito, matatandaan na tiniyak ng Department of Agriculture na pinaghahandaan ng ahensya ang posibleng food crisis.

Sa katunayan, naitala ng DA ang pinakamataas na rice harvest noong 2021 na umabot sa 19.9 million metric tons, ito na ang pinakamataas sa kasaysayan ng agrikultura.

Samantala, isa rin sa pagtutuunan ng susunod na administrasyon ay ang papagpapalakas ng agrikultura at pagpapababa sa presyo ng bigas.

More in National News

Latest News

To Top