Connect with us

Pilipinas, di handa sakaling sumiklab ang giyera

Pilipinas, di handa sakaling sumiklab ang giyera

National News

Pilipinas, di handa sakaling sumiklab ang giyera

Inamin ni dating Department of National Defense (DND) Secretary at ngayo’y senatorial candidate Norberto Gonzales na hindi pa handa ang Pilipinas sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng China at Taiwan.

Sa isang eksklusibong panayam ng SMNI News sa programang Pulso ng Bayan, sinabi ni Gonzales na magiging malawak ang pinsala ng naturang sigalot, lalo na sa libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na naninirahan sa Taiwan.

Ayon sa kanya, kung talagang seryoso ang gobyerno sa pagtulong sa mga Pilipinong maaaring maapektuhan, ngayon pa lang ay dapat nang bumuo ng isang task force upang paghandaan ang kanilang kaligtasan.

Binigyang-diin din niya na hindi obligasyon ng Pilipinas na makisawsaw sa alitan ng China at Taiwan, ngunit mahalaga pa rin na maging handa ang bansa sakaling madamay sa giyera.

Para sa kanya, ang solusyon ay linawin ang foreign policy ng Pilipinas at makipag-usap nang maayos sa China upang maiwasan ang anumang sigalot.

Sa kabila ng lumalalang tensyon sa rehiyon, wala pang konkretong plano ang gobyerno para protektahan ang mga Pilipino sa Taiwan, kaya’t nananatiling tanong kung anong mga hakbang ang gagawin ng bansa upang mapanatili ang seguridad ng mamamayan.

More in National News

Latest News

To Top