National News
Pilipinas, hindi gagamit ng water cannons tulad ng ginagawa ng china sa WPS – PBBM
Nanindigan ang pamahalaang Pilipinas na hindi ito gagamit ng water cannons sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na katulad ng ginagawa ng China Coast Guard (CCG).
Ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos ang pahayag nang tanungin kung aaprubahan niya ang mga mungkahi na magbigay ng water cannon sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas bilang tugon sa mga agresibong pag-atake ng CCG laban sa mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang ambush interview sa sideline ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, sinabi ni Marcos na patuloy ang misyon ng Philippine Navy at PCG na mabawasan ang tensyon sa WPS.
Gayunpaman, nanindigan siya na patuloy din na ipagtatanggol ng Pilipinas ang mga karapatan sa soberanya at ang soberanya nito sa lahat ng diplomatikong anyo.
Ibinahagi pa ng pamahalaan na kapag wina-water cannon ang mga barko ng Pilipinas ay nagpapadala ang Philippine government ng démarche o nagpapadala ang bansa ng sulat sa China.
Ang démarche ay isang diplomatic gesture upang sabihin ang posisyon ng pamahalaan sa isang isyu o paksa.
