Connect with us

Pilipinas, hindi isasapubliko ang resupply mission sa Ayungin Shoal

Pilipinas, hindi isasapubliko ang resupply mission sa Ayungin Shoal

National News

Pilipinas, hindi isasapubliko ang resupply mission sa Ayungin Shoal

Kinumpirma ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi na isasapubliko ng pamahalaan anumang plano sa nakatakdang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ito’y kaugnay na rin sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na walang balak ang gobyerno na humingi ng permiso kaninuman o sa alin mang bansa sa mga darating na misyon nito sa West Philippine Sea (WPS).

Magugunitang muling nakaranas ng pangigipit ang mga sundalong Pinoy mula sa Chinese Coast Guard  nang harangan, salakayin, i-tear gas at saktan ang supply team na patungo ng Ayungin Shoal.

Ayon kay Teodoro patuloy na maninindigan ang pamahalaan na walang ibibigay ang Pilipinas na kahit anong teritoryo nito sa mga bansang umaangkin sa karagatang sakop ng WPS.

Kasabay nito pinapurihan rin ng pamahalaan ang katapangan ng mga sundalong Pinoy sa ipinakita nitong kalmadong kilos laban sa mga tauhan ng Chinese Coast Guard (CCG).

More in National News

Latest News

To Top