National News
Pilipinas, hindi na kailangan ang tulong ng Amerika
Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na kakayanin ng Pilipinas ang hindi na tumanggap ng tulong mula sa Amerika.
Sa talumpati ng pangulo sa event ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Malacanang kagabi, sinabi nito na tiniyak mismo sa kanya ng militar at pulisya na kaya na nilang labanan ang Communist Insurgency at problema sa iligal na droga kahit wala ang tulong ng US Military.
Ayon sa pangulo, kung hindi kaya ng Pilipinas na labanan ang mga terorista ay posibleng maging teritoryo na lang ng Amerika o probinsya ng China ang bansa,
Matatandaang dalawang linggo na ang nakaraan ng ibasura ng pangulo ang Visiting Forces Agreement (VFA) kasunod na rin ng pagkansela sa US Visa ni Senador Ronald Bato dela Rosa.