National News
Pilipinas, host country ng Gastronomy Tourism forum ng UN ngayong Hunyo
Host country ang Pilipinas partikular na ang Cebu sa kauna-unahang United Nations (UN) forum sa Asia-Pacific Region hinggil sa Gastronomy Tourism.
Ang 2-day event na ito ay gaganapin ngayong June 26 – 27.
Layunin nito ang maiangat ang kaalaman ng isang bansa hinggil sa potensyal ng sariling culinary delights tungo sa pagpapaunlad pa ng tourism industry nito.
Samantala, sa June 28 naman ay gaganapin rin sa bansa ang ika-36 na joint commission meeting for East Asia and the Pacific and South Asia.
