Connect with us

Pilipinas, isinailalim sa state of calamity dahil sa COVID-19

Pilipinas, isinailalim sa state of calamity dahil sa COVID-19

COVID-19 UPDATES

Pilipinas, isinailalim sa state of calamity dahil sa COVID-19

Nasa ilalim na ngayon ng state of calamity ang buong Pilipinas dahgil sa patuloy na banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Idineklara ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito sa bansa.

Batay sa deklarasyon ng pangulo, tatagal ang state of calamity ng 6 na buwan at maaari pa itong mapaiksi o mapalawig depende sa magiging sitwasyon ng virus sa bansa.

Sa ngayon, ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa boung Luzon.

Inatasan din ng pangulo ang lahat ng local government unit (LGU) na umalalay sa publiko sa panahon ng emergency.

Sa ilalim ng state of calamity ay maaaring gamitin ng mga LGUs ang kanilang quick response fund upang matugunan ang pangangailangan sa kanilang lugar.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top