Connect with us

Pilipinas, isinali sa clinical trials ng bakuna kontra COVID-19

Pilipinas, isinali sa clinical trials ng bakuna kontra COVID-19

COVID-19 UPDATES

Pilipinas, isinali sa clinical trials ng bakuna kontra COVID-19

Nagboluntaryo si Pangulong Rodrigo Duterte na isali ang Pilipinas sa clinical trials ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa sa Japan katulad ng Avigan.

Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesperson Karlo Nograles, nakausap ng pangulo sa pamamagitan ng video conference si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ginanap na Special Asean Summit.

Sinabi ni Nograles na kabilang sa natalakay sa summit ang gamot na Avigan na ginagamit sa flu at influenza.

Sa nasabing meeting, binanggit ni Abe na nasa 50 bansa ang interesado na pag-aralan ang nabanggit na gamot.

Tinalakay naman ni Pangulong Duterte sa pulong ang kooperasyon sa science at research lalo na pagdating sa pag-develop ng mga bakuna at anti-viral treatment at katiyakan sa food security o pagkain.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top