National News
Pilipinas, kasama sa whitelist ng IMO – DMW
Pasok na ang Pilipinas sa whitelist ng International Maritime Organization (IMO).
Ibig sabihin nito ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), aasahan ang tuloy-tuloy na hiring ng Pinoy seafarers.
Paliwanag ng ahensya, ang pagkakasali ng Pilipinas sa IMO whitelist ay isang patunay sa hindi matatawarang abilidad ng Pinoy seafarers.
Sa katunayan naman, 30% sa global maritime workforce ay Pinoy seafarers.
