Connect with us

Pilipinas, maaaring ibaba sa alert level 01

Pilipinas, maaaring ibaba sa alert level 01

National News

Pilipinas, maaaring ibaba sa alert level 01

Maaaring ibababa sa alert level 1 ang isang lugar kung patuloy na bababa ang bilang ng kaso ng Covid-19.

Ito ang paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa posibilidad na pagluluwag ng mga restriksyon dahil sa bumababang kaso ng impeksyon sa bansa.

Ayon kay Duque, araw-araw ay nakamonitor ang Department of Health sa bawat lugar para sa ilang Covid-19 parameters.

Kabilang na rito ang 2-week growth rate, daily attack rate, total Covid-19 bed utilization rate at ICU bed utilization rate.

Ibinahagi ng kalihim na ang 2-week growth rate ng bansa ay nasa low risk na, habang ang daily attack rate ay nasa moderate risk.

Ibig sabihin, kung magtuloy-tuloy aniya ito ay walang rason para hindi ibaba sa alert level 01 ang isang lugar maging ang buong bansa.

Matapos ang isang buwan na covid surge, naitala kahapon, lunes ang pinakamababang bilang ng Covid-19 cases.

Batay sa case bulletin ng DOH, naitala kahapon ang nasa 6,835 nalang na bagong kaso ng Covid-19.

More in National News

Latest News

To Top