National News
Pilipinas, mag-aangkat ng surgical mask sa India
Nakatakdang mag-angkat ang pamahalaan ng surgical mask sa India bunsod ng kakulangan sa suplay mula sa lokal na pagawaan sa bansa.
Nasa isang milyong piraso ng face mask ang inaasahang aangkatin ngayong linggo dahil nagkaubusan na ang suplay ng face mask sa mga pribadong botika.
Ayon kay Philippine International Trading Corporation (PITC) President Dave Almarinez, hindi kayang suplayan ng lokal na supplier na nakabase sa bataan ng face mask sa buong bansa at nagmahal na rin ang mga raw materials sa pandaigdigang merkado.
Nagkaubusan ang suplay ng face mask dahil sa pagsabog ng taal at pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease-2019 (COVID-19).
