Connect with us

Pilipinas, magiging katulad ng India at Indonesia kung hindi magdedeklara ng ECQ – Sec. Galvez

Iginiit ng pamunuan ng National Task Force Against COVID-19 na hindi pagpopustura lamang ang ginawa ng gobyerno partikular sa mga iniuulat na datos

National News

Pilipinas, magiging katulad ng India at Indonesia kung hindi magdedeklara ng ECQ – Sec. Galvez

Susunod ang Pilipinas sa kalagayan ng kaso ngayon ng COVID-19 sa India at Indonesia.

Ito ay kung hindi magdedeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pamahalaan sa Metro Manila dahil sa lumalalang banta ng Delta variant.

Nauna nang nagdeklara ng ECQ ang pamahalaan sa iba pang lugar sa bansa.

Sa NCR, dalawang linggo ang ECQ mula Agosto 6 hanggang 20.

Sa ginanap na hearing sa Kamara, ipinaliwanag ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez kung bakit sumugal ngayon ang pamahalaan sa lockdown.

Paliwanag ni Galvez, “Kung wala sanang Delta kaya natin sana. Pero yung Delta kasi nakita natin what we are seeing in Cebu, now what we are seeing now in Cagayan de Oro and what we are seeing in Gingoog, nakita natin talaga na ibang klase ito. So ang nakita natin dito if we will not declare ECQ sa NCR, we will be next India and Indonesia, ma-eexperience po natin yan.”

Sinabi pa ni Galvez, mahihirapang makabawi ang bansa pagdating ng 4th quarter ng taon kung hindi magpapatupad ng ECQ.

“If we will not disrupt this containment and transmission magiging ano po tayo. We consulted also the business sector eh. Ang sabi nga nila if we will not do something drastic to disrupt transmission, maybe we cannot recover anymore yung 4th quarter,” dagdag pa ni Galvez.

Ayon pa kay Galvez, unti-unti nang napupuno ang mga ospital ngayon lalo na sa Metro Manila dahil sa dumaraming kaso ng virus.

“Lahat ng mga ICU natin halos puno na lahat. So if we will declare ECQ sa Metro Manila, the next thing that we will hate to see is we will be the next India, the next Indonesia. Sometimes we have to do something para atleast we have to prevent the incursion of an India like catastrophic event na makikita natin.”

Samantala bukod sa NCR, may mungkahi ring isailalim sa ECQ ang Calabarzon.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, “So this is still for consideration of the IATF. So we will find out tommorow based on the latest data or COVID-19 situationer for Calabarzon and the faster projection that will be provided tommorow, right now hindi pa kasi tapos eh.”

Isasapinal pa ayon kay Duque kung buong Calabarzon ba o tatlong lugar sa rehiyon ang ilalagay sa ECQ.

Kabilang din sa tinitignan na ilagay sa lockdown ay ang Laguna, Cavite, Rizal, Batangas at Quezon Province.

More in National News

Latest News

To Top