National News
Pilipinas, mananatili ang suporta sa WHO
Patuloy na susuportahan ng Pilipinas ang World Health Organization (WHO) sa pangangasiwa nito sa usapin ng international health na sakop ng United Nations System.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ay dahil kung wala aniya ang WHO, walang namumuno sa koordinasyon laban sa nakamamatay na COVID-19.
Ani Roque, importante ang pagbibigay ng pondo sa WHO kung saan nananatiling ‘committed’ ang Pilipinas sa pagbibigay ng kontribusyon dito.
Kaugnay nito, umaasa ang Malakanyang na ipagpapatuloy ng lahat ng mga bansa ang kanilang kooperasyon sa WHO.
Samantala, sinabi ni Roque na wala sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte para pagsabihan ang ibang mga Presidente sa kung ano ang nararapat gawin.
Kamakailan lang, inanunsyo ni US President Donald Trump na ihihinto na nila ang pagbibigay ng pondo sa WHO dahil sa umano’y mabagal na pagresponde ng ahensya sa COVID-19 crisis.
