Connect with us

Pilipinas, mas mahihirapan kung sa ibang administrasyon nangyari ang COVID-19 pandemic – Marcoleta

Kinumpirma ni Senatorial candidate Rodante Marcoleta ang pagkalas nito sa senatorial race.

National News

Pilipinas, mas mahihirapan kung sa ibang administrasyon nangyari ang COVID-19 pandemic – Marcoleta

Sa COVID-19 pandemic masusukat sa kasalukuyan ang katatagan ng isang pinuno ng bansa.

Ito ang naging opinyon ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa panayam ng Sonshine Radio.

Dahil dito, ipinunto nya na ang kasalukuyang hakbang ng Administrasyong Duterte laban sa COVID-19 pandemic ay hindi matatawaran.

Pahayag ni Marcoleta,”Kung ako ang susukat nito ay makikilala ko pa rin na kung hindi siguro ang pang. Duterte ang pangulo natin, baka mas lalo tayong nahirapan. Ganoon ko na lamang siguro bibigyan ng punto. Sapagkat, masyadong mabagsik, masyadong mapanganib ang problemang kinasadlakan ng bansa natin.”

“Siguro, kung iba ang naging pangulo natin ay baka lalo tayong maaaring mas mahirapan tayo, lalong-lalo na sa panahong ito na nakita mo na ang ekonomiya natin ay talagang nag suffer,” dagdag pa nito.

Isa sa pinaka-nagustuhan ng Kongresista sa mga kaunlarang naidulot ng Administrasyong Duterte sa bansa ay ang Build Build Build Program.

Ibinahagi pa nito na batay sa sukat ng United Nations, ang bahagi o share na karapat-dapat sa infrastructure mula sa gross domestic product ay hindi bababa sa 5%.

Subalit sa mga nakaraang administrasyon dito sa Pilipinas, hindi man lang aniya umaabot sa 3% ang share ng infrastructure.

Sa Administrasyong Duterte lang aniya nakikita ni marcoleta na lumalagpas sa 5% ang nagiging share ng infrastructure o public works.

“Pero sa panahon ni Pang. Duterte, nag average tayo ng 5.2, 5.3% napakalaking bagay yun. Sa palagay ko, napapansin din yan ng mga kababayan natin at ito’y na translate sa napakaraming mga public works diba, yung mga seaports natin, airports, at tsaka yung mga libu-libong mga kilometro ng mga daan na talagang nailatag at na-establish.”

Maliban dito, iilan din sa na-aapreciate nito sa ilalim ng Administrasyon Duterte ang pabahay, free tuition sa tertiary education, pagtaas ng sahod ng pulis, sundalo at guro kabilang na ang universal healthcare system.

 

More in National News

Latest News

To Top