National News
Pilipinas, matatawag nang isang banana republic
Nagiging symbolic head of state na lang ang pangulo ng bansa kung kaya’t mukha nang ‘banana republic’ ang Pilipinas ayon sa geopolitical and economic risk consultant na si Prof. Mario Ferdinand Pasion.
Sa kanyang paliwanag, masasabing hinahawakan na ng isang deep state si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at ang mismong deep state ay hawak naman ng western countries.
Resulta nito ay hindi na nasusunod kung anuman ang sinasabi ni BBM dahil mas nangyayari o naisasakatuparan na kung ano ang interes ng mga humahawak sa kanya.
Pakinggan ang buong pahayag ni Prof. Pasion tungkol sa isyu.
Ang geopolitical and economic risk consultant na si Prof. Mario Ferdinand Pasion.
Ang banana republic ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang isang maliit at mahinang bansa at ang gobyerno nito ay madaling naiimpluwensyahan ng dayuhang interes, oligarkiya o korapsyon.
Ang deep state naman ay isang konsepto na tumutukoy sa isang lihim na grupo ng mga makapangyarihang indibidwal sa loob ng isang gobyerno o institusyon at sinasabing ito ang may tunay na kontrol sa isang bansa.
