Connect with us

Pilipinas, muling tumanggap ng tulong sa Amerika para malabanan ang COVID-19

Tumanggap ang Pilipinas ng 11.3 milyong dolyar na halaga ng tulong mula sa Estados Unidos para sa kampanya kontra COVID-19.

Uncategorized

Pilipinas, muling tumanggap ng tulong sa Amerika para malabanan ang COVID-19

Tumanggap ang Pilipinas ng 11.3 milyong dolyar na halaga ng tulong mula sa Estados Unidos para sa kampanya kontra COVID-19.

Sa ulat ng US Embassy, ipinagkaloob ang nasabing tulong sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).

Umabot na sa 39 milyong dolyar ang naiabot na naitulong ng USAID, US Department of State, at U.S. Department of Defense para malabanan ang coronavirus sa bansa.

Maliban dito, tumulong din ang USAID sa 44,000 health workers at 800 ospital at klinika sa bansa, nakapagbigay ng personal protective equipments (PPEs), hygiene kits at iba pang kagamitan.

Ilang milyong dose din ng bakuna ang dumating sa bansa mula sa US.

Sa kabuuan, mahigit 600 milyong dolyar ang naibigay na tulong ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng USAID.

More in Uncategorized

Latest News

To Top