News
Pilipinas, nagpadala ng ‘replacement ship’ sa Escoda shoal
Nagpadala ang pamahalaang Pilipinas ng panibagong barko malapit sa Escoda Shoal bilang kapalit ng BRP Teresa Magbanua sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang iniulat ni National Maritime Council (NMC) spokesman Alexander Lopez.
Pero aniya, hindi lang nito masabi kung ito ay coast guard vessel o Philippine Navy vessel.
Hindi na rin nagbigay ng karagdagan pang detalye si Lopez sa usaping ito dahil sa mga isyu ng seguridad.
Binigyang-diin ni Lopez na pananatilihin ng Pilipinas ang presensya nito sa Escoda Shoal (Sabina Shoal) upang patuloy na ipagtanggol ang soberanya at mga karapatan ng bansa at imonitor ang mga umano’y ilegal na aktibidad sa lugar.