Connect with us

Pilipinas, nakatakdang mag-import ng mga isda sa Hunyo upang hindi tumaas ang presyo nito

Pilipinas, nakatakdang mag-import ng mga isda sa Hunyo upang hindi tumaas ang presyo nito

National News

Pilipinas, nakatakdang mag-import ng mga isda sa Hunyo upang hindi tumaas ang presyo nito

Inaasahan na mas maraming isda ang papasok sa mga lokal na merkado ngayong ikalawang bahagi ng taon dahil sa kanaisan ng pamahalaan na mapanatili ang suplay at presyo ng mga produktong isda.

Napagdesisyunan ng pamahalaan na magpasok pa ng panibagong mga isda sa lokal na merkado dahil nakita sa estimasyon na hindi sapat ang lokal na suplay upang maabot ang kailangang demand.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magkakaroon ng pagkukulang sa suplay ng isda na nasa 90,000 metric tons ngayong taon base sa Fish Supply Analysis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ani Dar, patuloy nilang binabantayan ang presyo ng mga isda na kasalukuyang bahagyang tumataas at ang desisyon ay palawigin ang Certificate of Necessity Import (CNI) ay parte ng plano ng pamahalaan upang mapababa ang presyo ng mga isda.

More in National News

Latest News

To Top