COVID-19 UPDATES
Pilipinas, namemeligro sa paglaban kontra COVID-19 – Chinese medical experts
Natuklasan ng 12 miyembro ng Chinese medical experts na namemeligro ang Pilipinas na mabigong maputol ang pinagmumulan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).Ito ang naging konklusyon ng mga Chinese medical team pagkaraan ng isang linggong pagbisita sa 6 na ospital sa Pilipinas.Ayon sa CCTV Asia-Pacific, sinabi ng puno ng Chinese medical team na si Weng Shangeng na dapat magtayo ang Pilipinas ng isang “Fangcang hospital” sa lalong madaling panahon, gaya ng ginawa ng Wuhan City na pinangmulan ng COVID-19.
Mahalaga aniya ang pagtatayo ng mga makeshift hospital para sa mga COVID-19 patient para maparami ang gumagaling at mabawasan ang nahahawahan ng sakit.
Matapos bisitahin ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), binanggit ng Chinese team na kailangang mapahusay ng Pilipinas ang virus detection capacity nito.