Connect with us

Pilipinas, nangakong patuloy na tatanggap ng mga refugees

Pilipinas, nangakong patuloy na tatanggap ng mga refugees

National News

Pilipinas, nangakong patuloy na tatanggap ng mga refugees

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mananatiling bukas ang Pilipinas sa pagtanggap ng mga refugees at biktima ng giyera sa Ukraine na mangangailangan ng asylum o proteksyon sa bansa.

Ipinaliwanag ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez na matagal ng bahagi ng polisiya ng Pilipinas na tumanggap ng mga refugee at mga dayuhang biktima ng karahasan at pananakot na nangangailangan ng proteksyon.

Sa pagtataya ng DOJ office of the state counsel ay mahigit 1,000 refugee ang kasalukuyang nasa Pilipinas, na karamihan ay mula sa Middle East at Africa at marami na rin ang naghain ng aplikasyon para maging refugee, habang wala pang aplikasyon para sa naturalization o nagnanais na maging Filipino citizen.

Inilabas ng DOJ ang pahayag matapos ang naging pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Ukraine President Volodymyr Zelensky.

More in National News

Latest News

To Top