Connect with us

Pilipinas, nangunguna na may pinakamataas na crime index sa Southeast Asia

Pilipinas, nangunguna na may pinakamataas na crime index sa Southeast Asia sa pag aaral ng Numbeo

National News

Pilipinas, nangunguna na may pinakamataas na crime index sa Southeast Asia

Sa pinakabagong survey ng Numbeo bilang tinaguriang largest database system sa mundo, lumabas sa kanilang pagsusuri nito lamang April 2024 batay sa rekomendasyon at obserbasyon ng mga users nito na ang Manila na capital ng Pilipinas ang nanguna sa may pinakamataas na bilang ng krimen sa buong Southeast Asia habang nasa ika-44 na pwesto naman ito sa buong mundo.

Batay sa datos ng Numbeo, nakakuha ang lungsod ng Maynila ng 64.7% crime index na sinundan ng Kuala Lumpur Malaysia Phnom Penh Cambodia, Jakarta Indonesia, Ho Chi Minh Vietnam, Cebu Philippines, Joho Bahru Malaysia, Pattaya Thailand, Iloilo Philippines at Bangkok Thailand.

Nanguna naman sa buong mundo ang Pietermaritzburg, South Africa na may 82.5 crime index na sinundan ng Pretoria, South Africa, Caracas ng Venezuela, Johannesburg ng South Africa at Port Moresby ng Papua New Guinea na nakakuha ng 80.7 crime index

Nakuha naman ng Abu Dhabi, United Arab Emirates ang 11.9 crime index bilang may pinakamababang datos ng krimen mula sa mahigit 300 bansa sa buong mundo.

Paliwanag ng Numbeo, ang nakakalap nilang datos ay nakatutulong sa mga turista at mga mamumuhunan sa mundo upang matukoy ang mga lugar o bansa na may potensiyal sa pagninegosyo, pag aaral hanggang sa pangmatagalang paninirahan rito.

Kaugnay dito, sinusubukan namin kunin ang panig ng pambansang pulisya ukol rito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap na pahayag sa nasabing survey.

Pero una nang ipinagmalaki ng mga nakaraang Philippine National Police (PNP) administration ang nakuha nilang mahigit na 80% trust at approval rating ng publiko sa pambansang pulisya.

More in National News

Latest News

To Top