Connect with us

Pilipinas, pinaghahandaan ang posibleng epekto kapag magpapatuloy ang Ukraine-Russia War

Pilipinas, pinaghahandaan ang posibleng epekto kapag magpapatuloy ang Ukraine-Russia War

National News

Pilipinas, pinaghahandaan ang posibleng epekto kapag magpapatuloy ang Ukraine-Russia War

Ang Ukraine at Russia ay kabilang sa global food producers.

Main players ang dalawang bansa sa global food market kung saan nag-i-export sila at nagmamanupaktura gaya ng fertilizers.

Kaya naman, malaki ang impact sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang nangyayaring giyera sa Ukraine.

Gayunpaman, sinabi ni DA Secretary William Dar sa Laging Handa Public Briefing na pinaghahandaan na ng Pilipinas ang posible pang epekto sakaling magtuluy-tuloy ang naturang sigalot.

Saysay ni Dar, mayroong tinatawag na Balanced Fertilization Strategy ang bansa, gaya na lang halimbawa ng kombinasyon ng paggamit ng chemical, organic at bio-fertilizers.

 “Marami naman tayong local na bio-fertilizers na developed dito sa Pilipinas, inii-scale-up na natin ito.

Ganoon din sa feeds, maraming mga feed wheat, for example, ay binibili natin sa ibang bansa para dito sa livestock and poultry industry,” ani Dar.

Samantala, Ibinahagi rin ng Department of Agriculture (DA) ang ginagawa pang  interventions nito para tugunan ang napipintong food crisis.

Saad ni secretary dar, kabilang dito ang inaprubahan ni Pangulong rodrigo duterte na Plant Plant Plant Program Part 2.

“Ito po, as early as three months ago, mayroon na tayong iprinisinta sa Malacañang and I had a meeting with a number of Cabinet members and leaders in the military.

So, inaprubahan ng ating mahal na Pangulo iyong Plant Plant Plant Program Part 2. Hindi ba noong kasagsagan ng COVID-19 [ay] mayroon tayo ring inilunsad na Plant Plant Plant Program? This time around, itong Plant Plant Plant Program Part 2,” dagdag pa nito.

Ang ‘major objective’ ng programang ito ay upang mapataas ang local food production para sa mga pangunahing ‘commodities’ na mayroon ang bansa.

Sa kabilang banda, hinikayat ng kalihim ang lahat na magkaisa na maging handa sa pagharap sa nakaambang krisis sa pagkain.

Kasabay nito ang pagtitiyak ng DA na magdoble o triple kayod ang ahensya upang ma-implementa ang lahat ng mga plano para maibsan ang matinding impact ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

“Mabigat po ito pero kung lahat po tayo ay sama-sama, tulung-tulong at tulungan po natin ang incoming administration para sa ganoon ay mas makayanan po natin maka-survive and even to recover and grow. So, let’s do plant, plant, plant in a big way,” saad pa ni Dar.

More in National News

Latest News

To Top