Connect with us

Pilipinas, posibleng babalik muli sa ICC – DOJ

Pilipinas, posibleng babalik muli sa ICC - DOJ

National News

Pilipinas, posibleng babalik muli sa ICC – DOJ

Isa sa pinag-aaralan ngayon ang posibleng pagbabalik ng Pilipinas sa Rome Statute ang kasunduan noong taong 2002 na nagbuo at nagtayo sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa Department of Justice (DOJ), bahagi ang pag-aaral na ito sa legal briefer na kanilang ibibigay kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. kung saan makikita ang pros at cons ng ibat-ibang opsyon sakali mang may warrant of arrest nang ibibigay ang ICC.

Nilinaw naman ni DOJ Asec. Mico Clavano na nananatiling walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC at hindi rin nagbago ang paninindigan ng pamahalaan hinggil dito.

Ang pahayag na ito ng DOJ ay kasunod sa isiniwalat ng dating senador na si Sonny Trillanes na malapit na umanong ilabas ng ICC ang kanilang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay parin ito sa umanoy extrajudicial killings na nangyari sa ilalim ng drug war campain ng Duterte administration.

More in National News

Latest News

To Top