National News
Pilipinas, tatanggap ng P12M mula sa European Union
Tatanggap ang Pilipinas ng nasa 200K euros o P12M mula sa European Union (EU).
Bilang tulong ito sa mga apektado ng pinagsamang pinsala na dulot ng hanging habagat at bagyong Enteng maging sa bagyong Ferdie at Gener.
Ang pondo ayon sa EU ay maaaring magagamit para sa iba’t ibang mga pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, sanitation at healthcare.
Maliban sa Pilipinas ay makatatanggap rin ang ibang Southeast Asian countries ng tulong.
Ang Myanmar ay mabibigyan ng 1.2M euros, Vietnam na mabibigyan ng 650K euros, at Laos na makatatanggap ng 150K euros.