Connect with us

Pilipinas, tiyak na ‘di tutulong sa gagawing imbestigasyon ng ICC

National News

Pilipinas, tiyak na ‘di tutulong sa gagawing imbestigasyon ng ICC

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Sa panayam sa isang event sa Quezon City nitong umaga ng Martes, sinabi ni PBBM na isang daang beses niyang sasabihin na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa.

Sinabi pa ng punong ehekutibo na itinuturing niyang banta ang ICC sa soberanya ng Pilipinas.

Sa katunayan aniya, binabantayan ng Philippine government ang kilos ng   ICC at   titiyaking hindi nito makaka-ugnayan ang anumang ahensya ng gobyerno.

Itinagubilin din ni PBBM sa mga   ahensiya ng gobyerno, local government   o law enforcers na huwag tumanggap ng tawag mula sa ICC.

Ang ICC ay dumating sa bansa upang imbestigahan ang umano’y nangyaring paglabag sa karapatang pantao nuong nakalipas na admistrasyon nang ipatupad ang war on drugs.

More in National News

Latest News

To Top