National News
Pilot run ng libreng sakay para sa mga health workers ng tanggapan ni VP Robredo, umarangkada na
Nagsimula na ang pilot run ng libreng shuttle service na handog ng Office ni Vice President Leni Robredo para sa mga hospital workers at front liners sa National Capital Region (NCR) ngayong araw.
6:00 AM ng umalis ang free shuttle sa starting point ng ruta at 11:30 naman ngayong umaga nagsimulang umalis ang shuttle sa end point ng bawat ruta.
Kabilang sa mga ruta ang RITM, Alabang to Jose Reyes Memorial Medical Center; Heritage Hotel EDSA to EDSA-Quezon Ave. Station; SM Moa Globe EDSA to Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta; EDSA extension to Monumento LRT; SM Fairview to Lawton LRT; at Balintawak LRT to Heritage Hotel EDSA.
Kailangan naman magpakita ng valid id ang mga sasakay na health workers mula sa mga kinauukulang ospital habang nagpapatupad din ng patakaran sa loob ng shuttle gaya ng body temperature, social distancing at pag-disinfect sa kamay gamit ang alcohol.
Iaanunsyo rin ngayong araw ang schedule ng afternoon pick-up.
Pagkatapos naman ng pilot run, magpopost ang OVP ng estimated time mula sa bawat pick up at drop-off point.
