Metro News
Pinaghihinalaang shabu, nadiskubre sa stuff toy na ibebenta sana online?
Dumulog sa Quezon City Police ang isang online seller para i-turn over ang isang stuff toy na may lamang mga plastic sachet ng pinaghihinalaang iligal na droga.
Humingi ng assistance ang isang Anna Lissa Bumanglag, 49 anyos, taga Brgy. Talipapa, Quezon City sa Police Community Precinct (PCP) 5, sa Quezon City Hall Detachment ito’y matapos na madiskubre nito na isa sa kanyang nabiling Minnie Mouse stuff toys ay may lamang 13 plastic sachet na may lamang “white substance”.
Nagtaka si Bumanglag dahil hindi pangkaraniwan ang timbang ng naturang stuff toy na nabili niya sa Baguio City.
Agad namang pinasuri ng nakuhang “white substance” sa the QCPD Crime Laboratory para mabatid kung ito ba ay shabu o ibang klase ng iligal na droga.
Matapos ang eksaminasyon lumabas na negatibo sa presensya ng iligal na droga ang nadiskubreng “white substance”
Ayon naman kay QCPD Director Police BGen. Ronnie S Montejo, na ang naturang bagay na nasa 2 kilo ang timbang ay posibleng inilagay sa loob ng stuffed to bilang bahagi ng modus na linlangin si Bumanglag.