Connect with us

Pinakabagong John Lennon documentary, magkakaroon ng premiere sa London Intl Film

Pinakabagong John Lennon documentary, magkakaroon ng premiere sa London Intl Film

Showbiz

Pinakabagong John Lennon documentary, magkakaroon ng premiere sa London Intl Film

Nakatakdang mag-premiere sa Cine International Film Festival sa London ngayong Mayo ang newest documentary tungkol sa English singer-songwriter ng The Beatles.

Partikular na ilalabas ito sa May 9, 2025.

Ang documentary na pinamagatang Borrowed Time ay gumagamit ng archival footage, never-before-seen interviews, at eyewitness accounts upang tuklasin ang huling dekada ng buhay ni Lennon.

Dito rin ay isisiwalat ang buong kwento kung paano nagkakilala sina Lennon at ang asawa nitong si Yoko Ono.

Ang Borrowed Time ay isa lamang sa ilang pelikula tungkol kay Lennon na kasalukuyang ginagawa.

Mapapansin na isa pa sa proyekto na ginawa para kay Lennon ay ang One to One: John & Yoko.

Isa itong documentary na sumasalamin sa buhay ng mag-asawa sa New York City mula taong 1971 – 1973 na inilabas sa theaters sa United Kingdom noong April 11.

Continue Reading

More in Showbiz

Latest News

To Top