National News
Pinakamainit na temperatura sa bansa sa taong 2020, naitala kahapon
Naitala kahapon ang pinakamainit na temperatura sa bansa para sa taong 2020.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Wearther Forecaster Raymond Ordinario, sinabi nito na nakapagtala ang mga istasyon nila sa NAIA at Tuguegarao City ng 35.5 degrees celsius na temperatura.
Nakapagtala rin aniya kahapon ng 35 degrees celcius na temperatura sa Quezon City.
Sinabi ni Ordinario na posibleng uminit pa sa mga susunod na araw sa bansa kasunod ng paghina ng hanging Amihan.
Dahil dito, pinayuhan ni Ordinario ang publiko na lalabas ng kanilang bahay lalo na sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 3:00 ng hapon na magdala ng payong o pananggalang sa matinding sikat ng araw at inuming tubig.