National News
Pinakamalaking barko ng PCG, dumating na sa bansa
Dumaong na sa pier ng Maynila ang BRP Gabriela Silang na pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsisilbing transport ship o gagamitin sa pagbiyahe ng mga medical supplies sa mga probinsiya.
PANOORIN | Pagdating sa bansa ng bagong barko ng Philippine Coast Guard na Gabriella Silang ? PCG
Posted by DZAR 1026 on Tuesday, 7 April 2020
Sa nasabing barko isasakay ang tone-toneladang medical supplies, personal protective equipment (PPEs), mga gamot at magsasakay din ng mga health workers at iba pang frontliners patungo sa mga regional hospitals sa ibat-ibang panig ng bansa.
Nakahanda din ang coast guard na gamitin ang BRP Gabriela Silang bilang Offshore Patrol Vessel na magsisilbing quarantine ship kung kinakailangan.
Noong January pa dapat narito sa bansa ang naturang barko pero habang nasa biyahe papuntang Pilipinas ay na-divert ito at biglaang naglayag patungo sa Malta, para sa repatriation sa mga Pinoy sa Middle East.