International News
Pinakamaraming nasawi dahil sa 2019-nCoV, naitala kahapon
Naitala kahapon ang may pinakamaraming nasawi dahil sa 2019 Novel Coronavirus sa loob lamang ng isang araw.
Batay sa huling datos ng Chinese Government, pumalo sa 103 ang bilang ng mga namatay kahapon.
Sa kabuoan nasa 1,011 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019-nCoV mula sa 27 bansa na apektado nito.
Nadagdagan naman ang bilang ng panibagong kaso ng 2019-nCoV na aabot sa higit 2,500.
Sa huling tala, nasa mahigit 42,000 na ang kaso ng 2019-nCoV sa buong mundo kung saan pinakamaraming naitalang kaso nito ay sa Wuhan City sa Hubei Province, China na sinasabing pinagmulan ng outbreak.
Samantala, personal namang binisita ni Chinese President Xi Jinping ang anhuali community sa Beijing, China para alamin ang hakbang ng pamahalaan sa pagkontrol ng naturang virus.