Connect with us

Pinalaking pondo kontra insurhensya ng Marcos admin, nakahanda na – NTF-ELCAC

Sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI ngayong araw ng Martes, ika-26 ng Hulyo, isang kawani ng NTF-ELCAC

National News

Pinalaking pondo kontra insurhensya ng Marcos admin, nakahanda na – NTF-ELCAC

Sa programang Laban Kasama ang Bayan ng Sonshine Media Network International (SMNI) ngayong araw ng Martes, ika-26 ng Hulyo, isang kawani ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nagpahayag ng buong pagsuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa NTF-ELCAC sa kabila ng hindi nito pag papahayag sa naganap na State of the Nation Adress (SONA) kahapon.

Sa nabanggit na programa, nilinaw ni Director Monico Batle, Barangay Development Program action officer ng NTF-ELCAC ang magiging kalagayan ng laban kontra insurhensya, partikular na sa Barangay Development Program na isa sa naging susi para mabigyan ng kasagutan ang mga hinaing ng ating mga kababayan na na ninirahan sa kanayunan at kadalasa’y biktima ng komunistang teroristang grupo.

Dagdag pa ni Batle, hindi man nabanggit ni Pangulong Marcos mismo ang NTF-ELCAC sa naganap na SONA kahapon, ay napapatuloy pa rin ang mga programa nito dahil successful stories na diumano ang mga nagawa ng NTF-ELCAC.

Ani Batle, mas pararamihin pa diumano ng pangulo ang farm to market road ng pangulo. Ang farm to market road ng Barangay Development Program sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura.

Nilinaw rin ni Batle, na dahil sa laki ng hiling na budget ng NTF-ELCAC sa imprastraktura, napagdesisyunan ng tanggapan ng NTF-ELCAC na hatiin na lamang ito ng Department of Interior and Local Government at Department of Agriculture, kung saan ang farm to market road ay mapapasailalim na sa Kagawaran ng Agrikultura na mayroong mahigit sa P28 bilyong proposed budget, habang ang DILG naman ay mayroong P19 bilyon proposed budget para sa Barangay Development Program sa taong 2023.

Ayon pa kay Batle na ang mga benepisyaryo ng mga infra projects sa ilalim ng BDP ay ang mga cleared barangay mula sa komunistang teroristang grupo o CPP-NPA-NDF.

More in National News

Latest News

To Top