Connect with us

‘Artificial shortage’ ng manok, pinangangambahan ni Sen. Imee Marcos

National News

‘Artificial shortage’ ng manok, pinangangambahan ni Sen. Imee Marcos

Kinuwestyon ngayon ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) kung bakit biglang tumaas ang bentahan ng presyo ng manok sa kabila ng hindi naman nagkukulang ang supply nito sa mga pamilihan o merkado.

Ayon kay Marcos, maaaring sinasamantala ng mga sindikato ang mataas na demand ngayon ng manok matapos na pumutok ang African Swine Fever (ASF) scare dahilan kung bakit halos walang bumibili ngayon ng karne ng baboy sa mga palengke at superkmarket.

Sa ngayon, ang bentahan ng bawat kilo ng dressed chicken ay umaabot na sa P180 hanggang P200 mula sa dati nitong presyo na P140 hanggang P150.  Inaasahan pang tataas ang presyo nito pagpasok ng Disyembre base na rin sa pahayag ng DA.

Nagbabala rin si Marcos sa pamunuan ng DA sa ‘artificial shortage’ na maaring gawin ng mga sindikatong negosyante o cartel ng manok para masiguro nila ang mataas na presyo nito sa mga binabagsakang pamilihan.

Matatandaang sa pagdinig ng senado nitong nakaraang linggo, nangako si DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan na kanilang babantayan ang presyo ng manok sa mga pamilihan at kung naipapatupad ang suggested retail price.

More in National News

Latest News

To Top