National News
Pinas, no.1 sa may mataas na crime index sa South-Eastern Asia
Numero uno ang Manila sa South-Eastern Asia sa may mataas na crime index.
Batay ito sa inilabas na 2024 mid-year Numbeo Crime Index kung saan tampok ang 15 lungsod sa South-Eastern Asia.
Sa listahan nga, nasa 64.5% ang nakuha na crime index ng Manila habang nasa 35.5% lang ang safety index nito.
Pang-lima sa listahan ang Cebu na may 51.6% na crime index at 48.4% na safety index.
Pang-walo ang Iloilo na may 41.1% crime index at 58.9% safety index.
Pang-sampu ang Makati na may 38.7% crime index at 61.3% na safety index habang pag-labing tatlo ang Davao na may 28.2% crime index at 71.8% safety index.
Kung sa buong Asya naman, pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na crime index.
Samantala, rank no. 9 ngayong taon ang Pilipinas sa 2024 Global Impunity Index kumpara sa rank no. 8 nito noong nakaraang taon.
Ibig sabihin, may kaunting improvement ang bansa kaugnay sa rankings na ito ng iba’t ibang mga bansa hinggil sa mga hindi naresolbang murder cases ng media workers.
Sa naturang listahan ng New York-based nonprofit organization na Committee to Protect Journalists (CPJ) kung saan tampok ang 13 mga bansa, numero uno ang Haiti at pumapangalawa ang Israel.
Pangatlo naman ang Somalia, pang-apat ang Syria at pang-lima ang South Sudan.
