National News
Pinoy at Japanese officials, magkikita sa Manila ngayong Hulyo
Magkikita ang ilang Pinoy at Japanese officials sa Manila ngayong July 8 ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang tinutukoy na mga opisyal ay sina Japanese Prime Minister for Foreign Affairs Kamikawa Yoko, Minister of Defense Kihara Minoru, Department of Defense Sec. Gibo Teodoro at Department of Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.
Tatalakayin sa magiging pagkikita ang isyung may kinalaman sa defense at security maging sa pagpapatibay ng bilateral ties ng 2 bansa.
Ito ang pinakamataas na consultative mechanism sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa kasalukuyan.
