Sports
Pinoy athletes mula sa 2024 Paralympics, binigyan ng tig-P1M
Binigyan ng pamahalaan ng tig-P1M ang lahat ng Pinoy athletes na sumabak sa 2024 Paris Paralympics kamakailan.
Ang mga tinutukoy na Pinoy athletes ay sina para swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, at para-athletes na sina Cendy Asusano at Jerrold Mangliwan.
Kasama rin ang para archer na si Agustina Bantiloc, at para taekwondo jin na si Allain Ganapin.
Ang Paralympics Games ay isinagawa noong Agosto 28 hanggang Setyembre 8, 2024.