National News
‘Pinoy citizenship for sale’, paiimbestigahan ng Senado
Posibleng may nangyayaring bentahan ng Filipino citizenship sa bansa ayon sa Senado.
Kasunod ito sa mga nakumpiskang valid government IDs sa mga naarestong dayuhan gaya ng Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) raids.
Partikular na mga nakumpiskang valid ID ay passports, alien employment permits, tax identification IDs, police clearance at PhilHealth card.
Ayon pa kay Sen. Pia Cayetano, mayroong 7 kaso ng pekeng birth certificates na nakuha sa mga foreigner matapos magpanggap na late birth registrants.
Ang 1 pa sa 7 ay nahaharap sa identity theft case dahil ginamit ang pangalan ng isang namatay na.
Sa datos, mula sa Manila, Quezon City, Pasig at maging sa Sta. Cruz, Davao del Sur ang pinakamaraming may kuwestyunableng birth registrants.